Modified number coding ikakasa na ng MMDA sa Lunes

Simula sa Lunes, Hunyo 8, ipapatupad ng MMDA ang modified number coding scheme na inaprubahan ng Metro Manila Council.

Base sa MMDA Regulation 2020-001 series of 2020, ang mga awtomatikong exempted sa traffic reducing scheme ay ang mga pribadong sasakyan na may dalawa o higit pang sakay, na pawang nakasuot ng mask at inoobserbahan ang physical distancing.

Gayundin ang mga sasakyan na minamaneho ng medical personnel at ng mga authorized person outside residence o APOR na kinilala ng Inter Agency Task Force.

Maging ang mga operator ng transport networl vehicles service o TNVS ay exempted at kinakailangan lang ay may signage sila na patunay ng kanilang operasyon.

Ang regulasyon ay inaprubahan sa huling pulong ng MMC noong nakaraang Mayo 26.

 

 

 

Read more...