Lego magdo-donate ng $4M sa mga organisasyon na sumusuporta sa black children

Nagpahayag ng suporta sa black community ang kumpanyang Lego kasunod ng mga protestang nagaganap dahil sa pagkamatay ni George Floyd.

Sa pahayag ng Lego sa kanilang Twitter account sinabi nitong tutol sila sa racism sa black community.

“We stand with the black community against recism and inequality,” ayon sa Lego.

Sinabi ng kumpanya na mag-donate ito ng $4 million para masuportahan ang black children.

Isa lamang ang Lego sa mga kumpanyang sumusporta sa Black Lives Matter movement.

 

 

Read more...