LOOK: Mga lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura kahapon, June 3

Nakaranas ng maalinsangan at mainit na panahon ang 5 na lugar sa bansa kahapon Miyerkules, June 3.

Ayon sa PAGASA, naitala sa Echague, Isabela ang pinakamataas na temperatura na umabot sa 37.6 degrees Celsius.

Narito naman ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura:

Tuguegarao City – 37.1 degrees Celsius

Guiuan, Eastern Samar – 36.8 degrees Celsius

Camiling, Tarlac – 36.5 degrees Celsius

Science City of Muñoz – 36.5 degrees Celsius

Paalala ng weather bureau sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.

 

 

Read more...