Pasok sa Korte sa Meycauayan suspendido pa rin ngayong araw

Suspendido ang operasyon ng korte sa Meycauayan City, Bulacan ngayong araw, June 4.

Ayon ito sa abiso ng Supreme Court Public Information Office.

Ayon sa SC-PIO, ipinabatid ni Executive Judge Cecilia Santoyo-Talapian na suspendido ang operasyon ngayong araw sa MTCC.

Ito ay dahil pansamantalang ipinasara ang Meycauayan City Convention Center kung saan naroroon din ang korte.

Kahapon ay suspendido na rin ang operasyon ng nasabing korte.

Hindi naman binanggit sa anunsyo kung ano dahilan ng pagsasara ng City Convention Center.

 

 

 

Read more...