Passport applicants na gagamit ng courtesy lane kailangan na ring magpa-appointment online

Inilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang bagong sistema nito sa pagproseso ng ePassport Courtesy Lane Applications.

Ayon sa DFA-Office of Consular Affairs operational na ang Online Passport Application System (OPAS) at ang Courtesy Lane Online Appointment System (CL-OAS).

Maaring ma-acess ang sistema sa https://onlineappform.passport.gov.ph at https://passport.gov.ph.

Sinabi ng DFA na sa pamamagitan nito mas magiging mabilis ang pagproseso ng pasaporte at maipatutupad din ng tama ang physical distancing measures.

Mababawasan kasi ang oras na gugugulin ng mga aplikante ng passport sa consular offices.

Sa ilalim ng CL-OAS maari na ring magamit ng passport applicants ang cashless transactions.

Ang mga aplikante na hindi eligible para sa courtesy lane ay maaring gamitin ang regular ePassport Appointment System sa – https://passport.gov.ph.

 

 

Read more...