Umuwing OFW nagpositibo sa COVID-19 pagdating ng Palawan

Isang umuwing overseas Filipino worker ang nagpositibo sa COVID-19 nang siya ay dumating sa Palawan.

Ang OFW ay dumating sa Puerto Princesa International Airport noong Linggo, May 31, 2020.

Ayon kay Dr. Dean Palanca, incident commander ng Puerto Princesa Task Force for COVID-19, nang duamting sa paliparan ay isinailalim ang pasyente sa rapid test at nagpositibo ito.

Dahil dito, agad siyang kinuhanan ng swab test at kahapon (June 3) lumabas ang resulta mula sa COVID-19 GenExpert laboratory ng Ospital ng Palawan at ito ay positibo.

Ang pasyente ay kabilang sa 23 overseas Filipino workers na dumating sa Puerto Princesa sakay ng Airasia flight matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pauuwin na sa mga probinsya ang mga stranded OFWs.

Bago dumeretso sa Puerto Princesa ay dumaan pa ang flight at nagbaba ng OFW sa Tagbilaran, Tacloban, at Bacolod.

Noong May 2 at May 13 ay sumailalim na sa swab test ang naturang OFW at kapwa negatibo ang resulta nito.

Ito ang dahilan kaya napayagan siyang umuwi at naisyuhan siya ng travel authority.

 

 

 

Read more...