Partial opening ng expressway patungong Cabanatuan gagawin sa December 2020

Inaasahang sa December 2020 ay magkakaroon na ng partial opening ang Central Luzon Link Expressway o CLLEX.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) target na mabuksan na sa Disyembre ang Phase 1 ng expressway na patungo ng Cabanatuan City.

Ang proyekto ay 4-lane 30-kilometer expressway mula sa SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway) at TPLEX (Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway) at nagtatapos sa Daang Maharlika sa Caalibangbangan, Cabanatuan City.

Sa ngayon ay 82% na itong kumpleto.

Aabot sa P14.94-billion ang pondo para sa naturang proyekto.

Inaasahang aabot sa 11,200 na mga motorista at commuter ang makikinabang sa CLLEX araw-araw sa sandaling ito ay mabuksan.

 

 

Read more...