Bilang ng nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19 mahigit 32,000 na

Sumampa na sa mahigit 580,000 ang kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Sa magdamag, nakapagtala ng mahigit 27,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Sa ngayon umabot na sa 583,980 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 doon.

Nakapagtala din ito ng panibagong mahigit 1,200 na nasawi dahil sa sakit.

Dahil dito mahigit 32,500 na ang death toll sa COVID-19 ng Brazil.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

Habang nasa pang-apat naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng nasawi.

 

 

Read more...