Global cases ng COVID-19 mahigit 6.5 million na

Umakyat na sa mahigit 6.5 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, sa nasabing bilang, mayroong mahigit 386,000 ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 3.1 milyon ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 3 milyon pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 54,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 119,900 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at mahigit 4,800 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

Read more...