Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 2,265 na

Umakyat na sa 2,265 ang bilang ng nagpositibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ito ay batay sa update ng Epidemiology and Disease Surveillance at Quezon City Health Department hanggang 11:00, Miyerkules ng gabi (June 3).

Sa nasabing bilang, 2,138 ang nakumpirmang kaso ng DOH na may kumpletong address.

Nasa 2,003 naman ang mga kaso na na-validate ng QCESU at district health offices.

Sa ngayon, 829 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

992 ang naka-recover at 182 ang pumanaw dahil sa sakit.

 

 

Read more...