Filipino community sa Hong Kong, COVID-19 free na

COVID-19 free na ang Filipino Community sa Hong Kong ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ito ni DFA Undersecretary Brigido “Dodo” Dulay.

Sa kaniyang tweet sinabi ni Dulay na base sa ulat ng Philippine Consulate General Office sa Hong Kong, wala nang Pinoy doon na apektado ng COVID-19.

Lahat ng Pinoy na nag-positibo sa COVID-19 sa Hong Kong ay pawang naka-recover na at nakalabas na ng pagamutan.

Base sa huling datos ng DFA, mayroong 5,259 na overseas Filipino ang nagpositibo sa COVID-19 mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

 

Read more...