Walo arestado sa ilegal na sabungan sa Taytay

Arestado ang walong katao dahil sa ilegal na pagsasabong habang may umiiral na general community quarantine sa Brgy. San Juan sa Taytay, Rizal.

Ginawa ng mga tauhan ng Intelligence Team ng Taytay Municipal Police Station (MPS) ang pagsalakay sa ilegal na sabungan sa Damayan Floodway.

Nakumpiska sa walo ang dalawang panabong na manok, dalawang tari, at P2, 600 na gambling money.

Ang walo ay ipaghaharap ng kasong paglabag sa Anti-Illegal Gambling na nakasaad sa Presidential Decree No. 1602 o Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling.

 

 

Read more...