Bahagi ng barangay sa Bacoor, Cavite isinailalim sa lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang 4 na residente

Nagpatupad ng lockdown sa bahagi ng Barangay Zapote 5 sa Bacoor City.

Ayon kay Bacoor City Mayor Lani M. Revilla, apat na residente ng barangay ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, base sa rekomendasyon ng Bacoor City COVID-19 Task Force at ng Barangay officials ng Zapote 5 idineklara ang lockdown partikular sa Sitio Aroma na nagsimula 12:00 ng hatinggabi kanina.

Tatagal ang lockdown hanggang sa June 15.

Sa ilalim ng lockdown, ang mga residente sa lugar na nilagyan ng kurdon ay hindi papayagang lumabas.

Sinabi ni Revilla na agad magsasagawa ng rapid testing sa pamilya ng mga positibong pasyente at sa mga kalapit bahay ng mga ito.

Mamamahagi din ng relief packs simula ngayong araw at regular itong gagawin hanggang sa matapos ang lockdown.

 

 

Read more...