Buhawi nanalasa sa central business district ng GenSan

Maraming puno ang nagtumbahan nang manalasa ang buhawi sa central business district ng General Santos City.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng GenSan nangyari ang pananalasa ng buhawi ala 1:45 ng madaling araw ng Huwebes, June 4.

Paalala ng LGU sa mga residente na magtutungo sa lugar, maging maingat dahil marami pang puno at yero na nakakalat sa kalsada.

Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente pero may ilang lugar ngayon ang nakararanas ng power interruption.

Agad namang nag-ikot ang mga ambulansiya, BFP, at PNP para sa initial assessment ng pinsala ng buhawi.

 

 

Read more...