Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 295

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Miyerkules, June 3) , nasa 295 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 2 ang bagong bilang ng nadagdag habang 135 ang active cases.

Nadagdagan ng 1 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 71.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 501.

Samantala, nasa 62 ang bilang ng probable habang nasa 734 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...