Higit 6,000 PWDs, senior citizen at solo parants, nabigyan ng tulong sa ilalim ng Kalingang QC Program Online Payout

Umabot sa mahigit 6,000 na persons with disability (PWDs), senior citizens, at solo parents ang nabigyan ng tulong sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City government, ito ang unang batch ng tulong-pinansiyal sa ilalim ng Kalingang QC Program Online Payout.

Katuwang ng QC local government unit sa proyekto ang Sangguniang Panlungsod para sa mga sektor na lubhang apektado ang kabuhayan bunsod ng community quarantine.

Tiniyak ng QC LGU na patuloy ang pamamahagi nito sa mga susunod na araw.

Paalala naman nito, posibleng makaranas ng pagkaantala sa website dahil sa dami ng bilang ng mga taong nagpaparehistro.

Dahil dito, humingi ng pang-unawa ang QC LGU sa mga residente ng lungsod.

Read more...