COVID-19 cases sa Maynila, pumalo na sa 1,500; 28 ang nadagdag

Karagdagang 28 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (June 3), umakyat na sa 1,500 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 960 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 271 cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 123 aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, 60 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,414 ang suspected cases.

Umabot naman sa 436 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 104 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...