Gagamiting sasakyan para sa “Libreng Sakay” project ng PNP, nadagdagan pa

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa na dagdagan ang gagamiting sasakyan para sa “Libreng Sakay” project sa kasagsagan ng general community quarantine (GCQ).

Ayon sa PNP Public Information Office, layon ng proyekto na makatulong sa mga stranded commuter.

Nagbaba ng direktiba sa Gamboa sa Directorate for Police Community Relations (DPCR) at Police Community Affairs and Development Group (PCADG) na dagdagan ang sasakyan sa proyketo para mapalawak ang naaabot nito.

“This is part of our commitment to serve the people, not only through our police patrol and checkpoint operations but also providing transportation to our kababayans who will go back to work during the GCQ since mass transit in NCR is still suspended,” pahayag ni Gamboa.

Mayroong apat na ruta ang PNP Libreng Sakay Program mula sa iba’t ibang pick-up points sa Metro Manila simula 6:00 hanggang 9:00 ng umaga at 6:00 hanggang 9:00 ng gabi.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Vehicle 1 Route: Camp Crame hanggang Valenzuela via EDSA at vice versa:
– Crame Edsa North Bound
– Trinoma
– Balintawak
– Monumento
– Valenzuela

Vehicle 2 Route: Camp Crame hanggang Bacoor Cavite via EDSA at vice versa:
– Edsa Cubao
– Marikina
– Antipolo

Vehicle 3 Route: Crame hanggang Bacoor, Cavite via Edsa/Parañaque Service Road at vice versa:
– Edsa South Bound
– Airport Road
– Zapote

Vehicle 4 Route: Crame hanggang Valenzuela via Edsa at vice versa
– Crame Edsa South Bound
– Ortigas
– SM Mega Mall
– Pasay Rotonda
– Airport Road
– Parañaque
– Zapote, Bacoor Boundary

Para makasunod sa minimum public health standards, mahigpit na nasusunod ang physical distancing sa pagsakay at pagbaba ng mga pasahero.

Mayroon lamang 50 percent na load capacity sa kada sasakyan at nagdi-disinfect bago at pagkatapos ng kada biyahe.

Para sa mga katanungan sa ruta at schedule, maaaring tumawag sa PNP Helpline 16677.

Read more...