Sinampahan ng mga miyembro ng NCMH Employees Association si Avila ng kasong Usurpation of Authority Amounting to Grave Misconduct sa Civil Service Commission noong November 22, 2019.
Ito ay dahil inaprubahan umano ni Avila ang leave ni Arturo C. Salcedo, isa ring empleyado ng NCMH na walang pahintulot mula sa OIC sa panahon na iyon na si Dr. Allan Troy Baquir.
Si Salcedo naman ay nireklamo rin ng nasabing asosasyon dahil sa kanyang paglabag sa Omnibus Rules on Leave.
Si Salcedo ay naaprubahan na mag-leave ng 112 na araw kahit na ang nakalaan na leave para sa kanya at 9 na araw lamang.
Ani BenCyrus G. Ellorin, ang chairperson ng Pinoy Aksyon, “Malinaw na inabuso ng Avila ang kanyang pwesto para pagbigyan ang hiling ni Salcedo. Kung bakit ginawa n’ya ito ay hindi natin alam. Sa CSC na s’ya magpaliwanag.”
Si Avila ay nakilala ng publiko nang binulabog niya ang NCMH dahil sa pagsulat n’ya ng isang Facebook post.
Ang nasabing post ay naglalaman ng kanyang mga alegasyon laban sa mga namamahala sa NCMH.
Kalaunan, nalaman na walang basehan ang mga paratang ni Avila. Matatawag nga na “fake news” ang mga akusasyon n’ya laban sa NCMH.
Hindi bababa sa 7 ang kontrobersyal na mga kaso na kinasasangkutan ni Avila.
Kabilang sa mga kaso ay nepotism, serious dishonesty and falsification of documents, at graft and malversation.
May 5 kaso na hawak ng Office of the Ombudsman (OMB) at 2 ay hawak ng Legal Service ng Department of Health (DOH).
Sa harap ng kabi-kabilang kaso laban sa kanya habang s’ya ay nasa NCMH, napagpasyahan marahil ng DOH na ilipat muna si Avila.
March 9 pa lang ay napirmahan na ng kinatawan ng DOH ang Department Personnel Order No. 2020-1078 na natanggap na ni Avila noong April 14, 2020.
Ayon sa transfer order na ito, pinapalipat na si Avila sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Las Piñas City ngunit ayaw n’ya itong sundin.