Liquor ban sa Muntinlupa City lifted na; cash aid beneficiaries hindi pa pwedeng bumili ng alak

Binawi na ang pag-iral ng liquor ban sa Muntinlupa City.

Sa inilabas na orinansa ng pamahalaang lungsod, pinapayuhan ang mga residente na makipag-cooperate sa lokal na pamahalaan sa mga ipatutupad na alituntunin.

May mga inilatag ding alituntunin sa kung sino lamang ang pwedeng bumili ng alak at sino ang mga hindi pwedeng bumili.

Nakasaad sa ordinansa na ang mga indbidwal na tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa national o local government ay hindi pwedeng bumili ng alak habang umiiral ang GCQ o MGCQ.

Ito ay para masiguro na ang tulong-pinansyal ng gobyerno ay hindi magagamit sa pagbili ng alak.

Kung benipisyaryo ng national o local government cash assistance at mahuhuling bumili ng alak ay diskwalipikado na ito sa susunod na mga ayuda.

Ang mga establisyimento na nagtitinda ng alcohol ay dapat mayroong record ng kung sinu-sino ang bumili sa kanila ng alak.

Dapat kuhanin ang buong pangalan ng buyer, eksaktong address, contact details, petsa at oras ng pagbili.

 

 

Read more...