Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (June 3), sumampa na sa 19,748 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ng kagawaran na 751 pa ang napaulat na kaso ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 221 ang “fresh cases” habang 530 ang “late cases”
Sinabi ng DOH na walo pa ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 974 na.
Ayon sa DOH, 90 pasyente ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, ang total recoveries sa COVID-19 sa Pilipinas ay 4,153 na.
MOST READ
LATEST STORIES