Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (June 3, 3:00 PM) pumalo na sa 1,598 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 11 na panibagong kaso.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 372
Laguna – 467
Batangas – 203
Rizal – 452
Quezon – 104
Nasa 838 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 16 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 143
Laguna – 304
Batangas – 104
Rizal – 214
Quezon – 73
Nanatili sa 159 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 35
Batangas – 25
Rizal – 61
Quezon – 8