Ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Sa thunderstorm advisory bandang 2:10 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Pampanga, Cavite at Batangas.

Maliban dito, uulanin din ang Zambales sa Santa Cruz, Candelaria, Palauig, Masinloc at Iba, at maging sa Mayantoc, Tarlac.

Sinabi ng PAGASA na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, nagbabala ang weather bureau ang maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...