Casiguran, Aurora nilindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Casiguran, Aurora Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 6 kilometers Northwest ng Casiguran bandang 1:24 ng hapon.

29 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang instrumental intensity 2 sa Santiago City, Isabela.

Wala namang napaulat na pinsala sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...