Dalawa pang kaso ng COVID-19, naitala sa Valenzuela City

Nakapagtala ng dalawa pang kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), ang isang bagong kaso ay empleyado ng Valenzuela BFP at ang isa pang pasyente ay government employee.

Nagsagawa na agad ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng dalawang bagong COVID-19 patient.

Dahil dito, hanggang 12:00 ng tanghali, June 3, umakyat na sa 291 ang confirmed cases sa lungsod.

Read more...