San Francisco, Southern Leyte niyanig ng magnitude 3.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Southern Leyte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 7 kilometers northwest ng bayan ng San Francisco alas-8:54 umaga ng Miyerkules (June 3).

Ang pagyanig ay unang naitala sa bayan ng Limasawa.

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang sumusunod na intensities:

Intensity III – San Francisco at Limasawa, Southern Leyte

Intensity II – Pintuyan, Southern Leyte

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

Read more...