Pamunuan ng St. Luke’s Medical Center hinimok ang COVID-19 survivors na mag-donate ng blood plasma

Hinikayat ng St. Luke’s Medical Center ang mga COVID-19 survivor na mag-donate ng blood plasma.

Sa abiso ng ospital, ang mga COVID-19 survivor na mayroong dalawang negative RT- PCR tests ay maaring makatulong sa mga severely ill patient.

Ito ay sa pamamagitan ng pagdo-donate ng kanilang convalescent plasma.

Maaring mag-donate ang mga nasa edad 18 hanggang 65 anyos.

Para sa mga nais na mag-donate, maaring tumawag sa 8-789-7700 ext. 2096/2053 sa St. Luke’s BGC at sa 8-723-0301 ext. 4725 para sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

 

 

 

 

 

 

Read more...