Ilang branch ng Victoria Court isasara na

Isasara na ng hotelier at car racer na si Angelina Mead King ang mga branch ng Victoria Court na kaniyang pag-aari.

Si Angie ang nagmamay-ari sa southern branches ng Victoria Court habang ang kapatid niyang si Atticus King naman ang may-ari ng northern branches.

Sa kaniyang video binanggit ni Angie ang pagkalugi na ng negosyo dahil sa pandemic ng COVID-19.

Sa kaniyang mensahe para sa mga empleyado ng hotel, sinabi ni Angie na naging mahirap para sa kaniya ang pagdedesisyon.

Sinabi ni Angie na ihahanda na ang retirement at retrenchment packages para sa mga empleyado na makatutulong sa kanila sa susunod na mga buwan.

 

 

Read more...