Ayon kay Manila Water spokesperson at head of corporate strategic affairs Jeric Sevilla, sa susunod na limang araw ay ide-deliver na ang bills.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Sevilla na simula noong May 16, 2020 ay nakapagsimula na sila ng actual reading.
Dahil dito, sa bill na matatanggap ngayong Hunyo ay makikita na ang actual billing kasama ang mga buwan na hindi nakapag-reading dahil sa pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sinabi ng Manila Water na hahatiin naman sa tatlong buwan ang aktwal na konsumo sa panahon ng ECQ para hindi maging mabigat ang pagbabayad.
Ayon kay Sevilla kung mayroong katanungan tungkol sa bill, maaring tumawag sa hotline na 1627.
Pwede ring magpadala ng mensahe sa Twitter account at Facebook account ng Manila Water.