Opisyal ng barangay sa Pasig nagpositibo sa COVID-19; Barangay Hall ipinasara

Pansamantalang ipinasara ang Barangay Hall ng Barangay Sto. Tomas sa Pasig City.

Ito ay makaraang isang opisyal ng naturang barangay ang magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, sa mga residente ng barangay na kailangang kumuha ng clearance at iba pang concern ay maaring magtungo muna sa tanggapan ng Office of the City Administrator.

Nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng opisyal ng barangay.

At lahat ng close contacts nito ay isasaialim sa PCR test.

 

 

 

Read more...