Water level ng Angat dam nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 189.78 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (June 3) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 189.92 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.04 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 101.03 habang bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.32 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 76.43 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao at Magat dams.

 

 

Read more...