Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 326 na

Nadagdagan pa nang pito ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa monitoring report hanggang 6:00, Martes ng gabi (June 2), sinabi ng PNP Health Service na umabot na sa 326 ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 720 na pulis ang itinuturing na probable case habang nanatili sa 683 ang suspected cases.

Sinabi pa ng PNP na umakyat sa 174 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.

Nananatili pa rin sa apat ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...