Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, 236 na

Nasa 236 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 8:00, Martes ng gabi (June 2), sa nasabing bilang ay 45 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Putatan na umabot sa 38 cases.

Narito ang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod ng barangay:
– Tunasan – 26
– Poblacion – 31
– Buli – 4
– Ayala Alabang – 32
– Bayanan – 15
– Alabang – 28
– Cupang – 30
– Sucat – 32

353 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 54 ang suspected cases.

Samantala, 159 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang nananatili sa 32 ang nasawi.

Read more...