Pop-Up bicycle lanes, ilulunsad sa San Juan City

Maglulunsad ng Pop-Up bicycle lanes sa Lungsod ng San Juan sa araw ng Miyerkules, June 3.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, magkakaroon ng ceremonial bike run sa bahagi ng bicycle lanes bilang selebrasyon ng World Bicycle Day.

Isasagawa aniya ang paglulunsad ng “Makabagong San Juan Pop-Up bicycle lanes” sa Pinaglabanan Shrine bandang 9:00 ng umaga.

Tiniyak ng alkalde na mahigpit na masusunod ang physical distancing sa kasagsagan ng seremonya.

Read more...