Nag-post ang isang opisyal ng Department of Transportation ng mga larawan ng pag-commute ni Secretary Arthur Tugade.
Ito ay matapos hamunin ni Senadora Nancy Binay ang mga public transport official na sumakay sa pampublikong sasakyan para maranasan ang hirap na dinaranas ng mga commuter.
Sa Facebook, sinabi ni Transportation Assistant Secretary Goddes Libiran na hindi na kailangang hamunin si Tugade dahil nagco-commute na ito dati pa.
Nagco-commute aniya ang kalihim kahit walang media sa paligid nito.
“Sec. Tugade does not need to be challenged just to commute. He commutes. Walang fanfare, walang media,” pahayag ni Libiran.
Patutsada pa nito, “‘Yung challenger kaya, kelan huling nag-commute?”
MOST READ
LATEST STORIES