Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,587

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (June 2, 3:00 PM) pumalo na sa 1,587 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 33 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 370
Laguna – 467
Batangas – 202
Rizal – 445
Quezon – 103

Nasa 822 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 10 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 133
Laguna – 303
Batangas – 104
Rizal – 209
Quezon – 73

Nanatili sa 159 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 35
Batangas – 25
Rizal – 61
Quezon – 8

Read more...