Sa datos ng kagawaran, umakyat na sa 2,669 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit hanggang June 1.
Sa nasabing bilang, 1,199 ang aktibong kaso kung saan 20q ang asymptomatic, 997 ang mild at isa ang may severe condition.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 727
– Nurse – 980
– Nursing Assistant – 173
– Medical Technologist – 109
– Radiologic Technologist – 55
Nasa 332 namang non-medical staff ang naapektuhan ng nakakahawang sakit.
Samantala, 1,438 ang mga naka-recover na health worker sa nakakahawang sakit hanggang June 1.
Sinabi pa ng DOH na nanatili sa 32 ang mga pumanaw na medical worker bunsod ng COVID-19.