Mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19, 5,230 na – DFA

Nasa 12 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 2, umakyat na sa 5,230 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 47 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,717 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa 2,166 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, umakyat naman sa 347 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,258 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 821 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 656 naman ang kaso sa Americas at 495 sa Asia Pacific Region.

Read more...