BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, halos 19,000 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (June 2), sumampa na sa 18,997 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 359 ang napaulat na bagong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 176 ang “fresh cases” habang 183 ang “late cases”

Sinabi ng DOH na anim pa ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 966 na.

Ayon sa DOH, 84 pasyente ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, ang total recoveries sa COVID-19 sa Pilipinas ay 4,063 na.

Read more...