Nilinaw ng Department of Health (DOH) na pansamantala lamang ang paglalagay ng classification na “fresh” at “late” sa COVID-19 cases sa bansa.
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay isang temporary measure hanggang sa matapos ang isinasagawang validation sa mga kaso ng nakakahawang sakit.
Hindi aniya sinasadya na maguluhan ang publiko.
Ani Vergeire, nais lamang ng kagawaran na maging “transparent” sa publiko ukol sa mga datos at maging maayos ang sistema.
Sa datos ng DOH hanggang June 1, umabot na sa 18,638 ang kaso ng pandemiya sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES