Ayon sa Las Piñas City government, naiturn-over na kay Officer-in-Charge Schools Division Superintendent Dr. Joel Torrecampo ang P11 milyong pisong cash assistance na donasyon ni dating Mayor Vergel “ Nene” Aguilar.
Magbebenepisyo rito ang 11,000 graduating students sa Public Elementary, Public Senior High School at Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College of Las Piñas (DFCAMCLP) para sa school year 2019-2020.
Sisimulan ang pamamahagi ng cash aid sa Huwebes, June 4.
Para sa may katanungan, sinabi ng Las Piñas City government na makipag-ugnayan sa mga class adviser.
Sa DFCAM graduates naman, maaaring bisitahin ang kanilang official Facebook page.
MOST READ
LATEST STORIES