Tarlac, Zambales at Cavite uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorms ang mga lalawigan ng Tarlac, Zambales at Cavite.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 12:18 ng tanghali ng Martes, June 2 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa tatlong lalawigan.

Pinayuhan ang mga nakatira sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Pinag-iingat din ang mga naninirahan sa bulubunduking lugar sa posibleng pagkakaroon ng landslide.

 

 

 

Read more...