Cebu City nakapagtala ng 165 na bagong recoveries sa COVID-19

May naitalang panibagong 165 na mga pasyente na naka-recover sa COVID-19 sa Cebu City.

Ayon sa datos mula kay Cebu City Mayor Edgar Labella, dahil dito, umabot na sa 1,160 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa lungsod.

Katumbas ito ng 48.15% na recovery rate.

Kabilang sa mga bagong naka-recover ay mula sa sumusunod na mga barangay:

Mambaling – 138
Mabolo – 2
Sawang – 12
Guada – 1
Suba – 1
Ermita – 1
Labangon – 5
Pasil – 5

Nasa 1,222 o 50.72% ang active cases.

Habang 1.12% lamang ang fatality rate.

 

 

Read more...