LOOK: Sitwasyon sa MRT-3 at LRT-2 sa ikalawang araw ng pagbabalik nito sa biyahe

Naging maayos pa rin ang sitwasyon sa biyahe ng mga tren ng MRT-3 at LRT-2 sa ikalawang araw ng pag-iral ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Sa mga ibinahaging larawan ng Department of Transportation (DOTr) naipatupad ang physical distancing sa platform at loob ng mga tren sa kasagsagan ng rush hour.

Gaya ng kahapon hindi gaanong dagsa ang mga pasahero.

Limitado lamang ang bilang ng mga pasaherong pinapapasok sa platform at sa loob ng mga tren upang masiguro ang physical distancing.

Mayroon ding itinatalagang gwardya sa bawat train sets.

 

 

 

Read more...