Pangulong Duterte work from home sa Davao City hanggang sa susunod na mga araw

Work from home sa Davao City sa susunod na mga araw si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, sa Huwebes ang kaniyang pulong sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases at kanyang public address ay gagawin ng pangulo sa Davao City.

Maliban sa layong makasama ang pamilya, sinabi ni Roque na habang nasa Davao City ay titignan din ng pangulo ang sitwasyon sa Mindanao.

Magpapatuloy din aniya ang official functions ng pangulo habang nasa Davao City.

Ilang miyembro ng IATF ang magtutungo sa Davao City ngayong linggo para sa pulong kay Pangulong Duterte sa Huwebes ani Roque.

Noong Sabado pa umuwi ng Davao City ang pangulo.

 

 

 

Read more...