Water level ng Angat dam muling nabawasan

Muli pang nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 189.92 meters alas-6:00 umaga ng Martes (June 2) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 190.05 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.03 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 100.82 habang bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.43 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 76.47 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang Magat dam.

 

 

 

Read more...