LPA binabantayan ng PAGASA sa Aurora; Palawan at Mindanao apektado ng ITCZ

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 770 kilometers East ng Casiguran, Aurora.

Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza maliit ang tsansa na maging isang bagyo ang LPA at inaasahang malulusaw lang din sa susunod na 36 na oras.

Apektado naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Palawan at Mindanao.

Dahil sa ITCZ, ang Palawan, Zamboanga Peninsula, BARMM, at SOCCSKSARGEN, ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas lang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin dahil din sa ITCZ.

Habang ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lang din ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

 

 

Read more...