COVID-19 cases sa Valenzuela City, umabot na sa 287

Nadagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Ayon sa Valenzuela City government hanggang 10:00, Lunes ng gabi (June 1), umabot na sa 287 ang confirmed cases sa lungsod.

Batay sa monitoring report, 136 sa kabuuang bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, 138 residente na sa lungsod ang gumaling sa pandemiya.

Nasa 13 naman ang pumanaw bunsod ng COVID-19.

Read more...