Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (June 1, 3:00 PM) pumalo na sa 1,554 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 16 na panibagong kaso.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 363
Laguna – 449
Batangas – 201
Rizal – 443
Quezon – 98
Nasa 812 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng tatlong bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga naka-recover:
Cavite – 133
Laguna – 303
Batangas – 104
Rizal – 199
Quezon – 73
Nadagdagan ng isa ang nasawi kaya umabot na sa 159 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 35
Batangas – 25
Rizal – 61
Quezon – 8