Abuyog, Leyte niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Yumanig ang magnitude 3.7 na lindol sa Abuyog, Leyte Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 3 kilometers Southeast ng Abuyog bandang 10:20 ng gabi.

Isang kilometro ang lalim nito at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa naturang bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...